Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ano ang mga uri ng polusyon na meron na Pilipinas? 

Una ay ang polusyon sa hangin. Ang sanhi nito ay ang mga makabagong teknolohiya, Ito ay nanggagaling sa mga pagawaan, usok ng mga sasakyan. Kahit sa simpleng paninigarilyo lang at pagsusunog ng kung anu- anong bagay ay maaari ring pagmulan ng polusyong ito.

Pangalawa ay ang polusyon sa lupa. Ito ay galing sa mga tao na walang disiplina madalas makita ang mga kalat sa paligid at and nagiging sanhi nito sa pagaakala nating simpleng kalat ay nagdudulot ng pagkalalaki at pagkadamidaming basura ng isang komunidad

Pangatlo ay ang polusyon sa ingay o ang Noise Pollution. Ito ay dahil sa dumadaming populasyon ng mga tao

At ang huli naman ay ang polusyon sa tubig. Ito ay naidudulot ng pagkawala ng disiplina ng mga tao o mamamayan sa isang komunidad halimbawa rin nito ay ang paggamit ng mga mangngisda ng pampasabog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento